Aljur Abrenica portrays a high-end male prostitute in Magpakailanman ~ Pinoy Media

Wednesday, April 24, 2013

Aljur Abrenica portrays a high-end male prostitute in Magpakailanman


Press Release from GMA Network

"Ano ang hindi mo gagawin para sa 'yong anak? Ito ang tanong na hinarap at patuloy na hinaharap ng independent film actor na si Kristoffer King.


"Lumaki si Kristoffer na may pera at exposed sa makamundong mga bagay; ngunit nang mamatay ang kaniyang ina, nagbago rin ang buhay niya. Dahil sa kawalan ng panahon ng sariling ama para palakihin siya ng tama, nalulong sa masasamang bisyo si Kristoffer at nawalan ng direksyon ang buhay.

"Maagang naging ama si Kristoffer, at para buhayin ang kaniyang mag-ina, tumigil ito sa pag-aaral at naging isang back-up dancer. Pero nang makitaan siya ng potential ng isang gay bar owner, inalok siya nito na maging macho dancer.

"Dahil sa pangangailangan, tinanggap ni Kristoffer ang alok ng gay bar owner, lalo pa't mas malaki ang kita sa pagiging macho dancer; ang nasa isip niya ay sandali lamang ang itatagal niya rito. At nang lapitan siya ng isang manager para alukin na maging artista, inakala niyang matatapos na ang kalbaryo niya sa buhay.

"Ngunit hindi pa man umuusbong ang kanyang career ay mada-diagnose ang kaniyang anak na may Hunter's Syndrome. Mapipilitan si Kristoffer na bumalik sa mundo ng pagsasayaw. At sa patuloy na pagtaas ng mga bayarin para tustusan ang sakit ng anak, hindi na natapos sa pagsasayaw ang kailangan gawin ni Kristoffer.

"Mula sa pagiging independent film actor, magiging isang high-end male prostitute si Kristoffer.

"Dadaanan ni Kristoffer ang iba't-ibang hirap para lang mabigyan ng maayos na buhay ang kaniyang mag-iina, lalo na ang panganay na si Bukne, ang anak na may Hunter's Syndrome. At habang itinutuloy ni Kristoffer ang kaniyang pagsasayaw, may mag-aalok sa kaniya ng buhay na inakalang hindi na muling matitikman.

"Isang matandang dalaga ang magyayaya kay Kristoffer ng kasal, at ng green card para manirahan na sa America, ngunit sa isang kondisyon. Iiwan na nito ang dating buhay, at ang lahat ng nakakabit dito, sa Pilipinas.

"Alamin ang landas na pinili ni Kristoffer ngayong darating na Sabado sa Magpakailanman, pagkatapos ng Vampire ang Daddy Ko sa GMA 7.

"Bayarang Adonis: The Kristoffer King Story" features Aljur Abrenica sa isang natatanging pagganap bilang si Kristoffer King, kasama sina Max Collins, Marc Justine Alvarez, Philip Lazaro at Joel Camacho; at mula sa mahusay na direksyon ni Maryo J. delos Reyes."
If You Like This Post, Click Here To Subscribe Via Pinoy Media Email
+AMDG+ DISCLAIMER: PINOY MEDIA does not claim credit for any images and videos and some articles featured on this site. All visual content, videos, copy and images and some articles, are copyrighted to its respective owners. By providing links to other sites, Pinoy Media does not guarantee, approve or endorse the information or products available at these sites, nor does a link indicate any association with or endorsement by the linked site to Pinoy Media. Information featured on Pinoy Media may contain errors or inaccuracies. If you own rights to any of the featured images, videos and articles and do not wish them to appear on this site, please Thank You. +THE ADMIN+

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...