BREAKING: Janine Tugonon split up with Jaypee Santos because of Danny O’Donoghue !? ~ Pinoy Media

Thursday, April 18, 2013

BREAKING: Janine Tugonon split up with Jaypee Santos because of Danny O’Donoghue !?


Inamin ni Miss Universe first runner up na si Janine Tugonon na hiwalay na sila ng kanyang nobyong si Jaypee Santos dahil sa diumanong pakikipag kontak nito sa The Script lead vocalist na si Danny O’Donoghue sa programang Kris TV nuong April 16.


Narito ang Transcript ng pag-amin ni Janine at Jaypee sa estado ng kanilang relasyon:

Kris: “Nag-aaway ba kayong dalawa?”

Janie: "Actually, honestly ngayon, we are not in good terms.”

Kris: “What happened?”

Jaypee: “May mga hindi lang napagkakasunduan.”

Janine: “Siguro may nangyari lang na hindi ko ini-expect na mangyayari.”

Pagkatapos nito ay tinanong ni Kris kung totoo ang balitang nililigawan si Janine ng lead vocalist ng bandang The Script na si Danny O’Donoghue.

Janine: "Hindi ko ‘yon type! Parang we’re talking lang,”

Kris: “’Yon ang pinag-awayan ninyo?”

Jaypee: “Oo.”

Janine: “Pero ano naman 'yan... spur of the moment lang."

Janie: “Honestly po kasi, break talaga kami ngayon [ni Jaypee].”

Kinuwento pa ni Jaypee na hanggang ngayon ay nag uusap sa pamamagitan ng social networking sites ang dalawa samantalang kinuwento naman ni Janine kung paano nya na meet si Danny.

Janine Statement:

 “Nanood kami ng concert. Kasi, di ba, sa Araneta may meet and greet?

“Since kilala ko ang staff ng Araneta, sabi ko sa kanila, ‘Sobra akong fan ng The Script, puwede bang ma-meet ko?’ ‘Tapos na-meet niya ako.

“Nandoon siya [Jaypee]. Ipinakilala ko nga siya kasi tinanong niya [Danny], ‘Do you have a boyfriend?’

“Sabi ko, ‘Yeah, that's my boyfriend.’

“Tapos 'yon, sabi niya, ‘Follow me on Twitter and I will follow you back.’

“Tapos nag-direct message siya.

“Oo, talagang [nagalit] siya [Jaypee] kasi sabi niya, ‘Kung ayaw mo talaga sa taong ‘yan, hindi mo siya kokontakin.’”

Aminado si Janine na siya ang nakipag-break kay Jaypee. Time ang ibinigay nyang dahilan para makapag isip isip sa estado ng relasyon nila na ibinigay naman sa kanya ni Jaypee.
If You Like This Post, Click Here To Subscribe Via Pinoy Media Email
+AMDG+ DISCLAIMER: PINOY MEDIA does not claim credit for any images and videos and some articles featured on this site. All visual content, videos, copy and images and some articles, are copyrighted to its respective owners. By providing links to other sites, Pinoy Media does not guarantee, approve or endorse the information or products available at these sites, nor does a link indicate any association with or endorsement by the linked site to Pinoy Media. Information featured on Pinoy Media may contain errors or inaccuracies. If you own rights to any of the featured images, videos and articles and do not wish them to appear on this site, please Thank You. +THE ADMIN+

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...