Is Claudine Barretto @btchjuliaisbitch !? after posting the "controversial Porsche" on her Instagram account ~ Pinoy Media

Tuesday, April 23, 2013

Is Claudine Barretto @btchjuliaisbitch !? after posting the "controversial Porsche" on her Instagram account


Kaugnay sa kumakalat na isyo ng magkakapatid tungkol sa mga nakaraang parinig at instagram posts --- dalawang magkasunod na posts ang inilagay ni Claudine sa kanyang Instagram account (@claubarretto at hindi ang diumanong another account niya na @btchjuliaisbitch) na may parehong larawan ng luxury car na Porsche, na pag-aari ng mister niyang si Raymart Santiago.

Sa unang litrato, makikita ang isang Porsche na may caption na "Raymart’s Porsche’s 1." habang sa pangalawang litrato naman ay may caption na "The Controversial Porsche." Makikita ang tila masayang paglilinis ni Claudine sa nasabing kotse kasama ang anak nila ni Raymart na si Sabina.

Ito narin ang masasabing pagsagot ni Claudine sa mga bintang ng kanyang mga kapatid na sina Gretchen at Marjorie sa mga nauna nilang instagram posts.

Matatandaang kumalat sa Internet ang mga post diumano ni "Gretchen" noong April 13 sa kanyang Instagram account na "gretchenbarretto." Kabilang sa post ni "Gretchen" ay ang mensaheng ito:

“Yuck. You know what yuck is? Your husband walked out coz you[r] violent ways. What exactly did you do to his Porsche? His laptop? Etc. oh pls reflect and go to your happy place..Medical City.”

Nag-post din ng mga mensahe ang kapatid ni "Gretchen" na si "Marjorie" bilang sagot at suportasa mga post ni "Gretchen."

Bagamat walang binanggit na pangalan, naniniwala ang karamihan sa mga nagkomento ng ang tinutukoy nina "Gretchen" at "Marjorie" ay ang bunso nilang kapatid na si Claudine.




If You Like This Post, Click Here To Subscribe Via Pinoy Media Email
+AMDG+ DISCLAIMER: PINOY MEDIA does not claim credit for any images and videos and some articles featured on this site. All visual content, videos, copy and images and some articles, are copyrighted to its respective owners. By providing links to other sites, Pinoy Media does not guarantee, approve or endorse the information or products available at these sites, nor does a link indicate any association with or endorsement by the linked site to Pinoy Media. Information featured on Pinoy Media may contain errors or inaccuracies. If you own rights to any of the featured images, videos and articles and do not wish them to appear on this site, please Thank You. +THE ADMIN+

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...