Jake Vargas on Bea Binene: “Gusto ko siyang ligawan” #JaBea ~ Pinoy Media

Monday, April 22, 2013

Jake Vargas on Bea Binene: “Gusto ko siyang ligawan” #JaBea


Kinamusta ng PEP si Jake Vargas tungkol sa bago nitong show at sa muling pagbabalik tambalan nila ni Bea Binene at sa status din ng kanilang relationship.


Pahayag niya: “Hayun, masaya ako at siyempre pati ang fans ng JaBea kasi babalik na uli kami. “Makikita na naman kami sa TV. “Masaya din ako na magkaka-trabaho na naman kaming dalawa ni Bea.”

Biniro tuloy sya ng reporter na halatang na-miss niyang maka-trabaho si Bea.

Pahayag niya: “Yung sa ganitong show, oo,” mabilis niyang sagot, “Nagka-work din kami sa Party Pilipinas, pero iba yung ganitong nagte-taping. “Kasi dito mas may time na nagkakausap kaming dalawa. Kasi sa Party P, di ba, ang daming tao, ang gulu-gulo... maingay. “Na-miss ko talaga siyang ka-trabaho.”

Tinanung din ng writer kung paano ba nila ibabalik yung lakas ng JaBea matapus itong panandaliang nabuwag.

Pahayag niya: “Oo nga, e,” pagsang-ayon niya. “Kasi, hayun nga, merong ibang naka-partner si Bea kaya medyo tumamlay yung sa amin. “Nahihiwalay din ako sa kanya minsan. “Pero, naniniwala ako na hindi naman nawala ang JaBea fans... andyan pa rin sila. “Kasi kami naman talaga ang unang naging love team.”

At dahil sa mga sagot nito ni Jake ay tinanung ng ng reporter ang status ng kanilang relationship at kung nililigawan ba nya si Bea.

Sabi ng actor: “Ligawan?” nangingiting sabi niya, “Yung ligawan parang hindi muna. “Ang iniisip namin ni Bea ay yung trabaho muna. “At saka yung friendship namin, hindi namin sisirain yun. Parang ganun.” “Lalo na ngayon na mas lalo akong nagiging close sa kanya. “Kung iku-compare noon, mas close kami ngayon.”

Dahil dito inamin din ng actor na pwedeng mag level up ang kanilang friendship into boyfriend-girlfriend level.

Sabi ng actor: “Oo, puwedeng maging ganun,” pag-amin niya. “Puwedeng mag-level up na maging girlfriend ko siya... “Na gusto ko siyang ligawan.”

Kaya muling humirit ang reporter at tinanung kung bakit ayaw pa niyang ligawan ang actress.

Paliwanag niya, “Sa ngayon, busy pa kami pareho. Laging puyat. “Pero, may time tayo para diyan. At puwede ko yun gawin. “Busy lang talaga.” “Challenge din sa akin si Bea.”

Tinanung din ng reporter kung baka hinihintay lang siya ni Bea na maniligaw

Paliwanag niya, “Hindi ko napi-feel, e. “Pero, kapag kami magkausap, sobrang saya namin. Yung mga joke. “Hindi naman siya naiinis sa akin. Sabi niya, mabait naman daw ako. Kaya, okey lang. “Minsan kumakain kami sa labas. Siyempre, kasama ang mama niya.”
If You Like This Post, Click Here To Subscribe Via Pinoy Media Email
+AMDG+ DISCLAIMER: PINOY MEDIA does not claim credit for any images and videos and some articles featured on this site. All visual content, videos, copy and images and some articles, are copyrighted to its respective owners. By providing links to other sites, Pinoy Media does not guarantee, approve or endorse the information or products available at these sites, nor does a link indicate any association with or endorsement by the linked site to Pinoy Media. Information featured on Pinoy Media may contain errors or inaccuracies. If you own rights to any of the featured images, videos and articles and do not wish them to appear on this site, please Thank You. +THE ADMIN+

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...