Julie Anne San Jose speaks up on issue with Jaya and her fans ~ Pinoy Media

Sunday, April 28, 2013

Julie Anne San Jose speaks up on issue with Jaya and her fans


Nakausap ng PEP and multi-talented singer na si Julie Anne San Jose tungkol sa kumakalat na issue between her and Jaya's opinion about new singers at pati narin ang naging rekasyon ng kanyang mga fans.


Ito ay ang sinabi ni Jaya na  "Kami, marunong kaming magbigay-pugay do’n sa mga nauna sa amin. Hindi yung aarte kayo na parang ang tagal-tagal n’yo dito." na opinyon tungkol sa mga baguhang singers at artista na hindi raw bumabati sa kanilang mga nauna sa industriya.

Ang opinyon na iyon ni Jaya ay nagbigay diumano ng negative reactions mula sa fans ni Julie Anne, na dumating sa puntong bina-bash ng mga ito ang veteran singer sa Twitter at Facebook.

Ito ang naging pahayag ng actress tungkol dito:

“Hay naku, oo, grabe! Hindi ko po alam kung saan nanggaling yun."

“Kasi nagulat din po ako na parang in-assume nila na ako nga yung pinatamaan ni Tita Jaya."

“Sabi ko nga, ‘Why would I tell something sa isang nilu-look up to ko po?’

“And it’s super-offensive po talaga."

“Parang siyempe po, idol ko siya. Hindi ko sasabihan si Tita Jaya na… isa po siya sa mga haligi ng industriya, e.”

“Nagulat din ako na parang ako yung… na ganun nga, na parang ako raw po ang pinariringgan."

“Medyo unfair naman sa akin kasi wala naman akong ginagawang masama."

“So, medyo na-offend din ako na hindi lang naman ako yung singer o artist na... di ba?"

“Para sa akin din po, ang point din ni Tita Jaya na, yun nga, we should respect yung katulad nila, e—tama naman po siya dun."

“Pero yung bashers pong ganun, hindi naman maiwasan na merong ganun."

“We really can’t please everyone. Lahat tayo, may kanya-kanyang bet."

“Sabi ko nga sa fans ko, iwasan nila yung magganun kung sila nga ba yun."

“Kasi, hindi ko rin po masasabi na sila nga ang mga nang-bash."

“Maganda ang buhay, huwag na lang tayong mag-dwell sa mga negative na bagay.”

 “Ang hirap din kung sakaling nanggaling sa akin yung pagre-react, di ba?"

“Kasi baka mamaya ma-misinterpret na ako na, ‘Ba’t ba, guilty ka ba?’ Yung ganun."

“So, it was better na I remained silent na lang.”


If You Like This Post, Click Here To Subscribe Via Pinoy Media Email
+AMDG+ DISCLAIMER: PINOY MEDIA does not claim credit for any images and videos and some articles featured on this site. All visual content, videos, copy and images and some articles, are copyrighted to its respective owners. By providing links to other sites, Pinoy Media does not guarantee, approve or endorse the information or products available at these sites, nor does a link indicate any association with or endorsement by the linked site to Pinoy Media. Information featured on Pinoy Media may contain errors or inaccuracies. If you own rights to any of the featured images, videos and articles and do not wish them to appear on this site, please Thank You. +THE ADMIN+

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...