Kapuso stars to join Heatwave Summer Bazaar on April 19-21 ~ Pinoy Media

Friday, April 19, 2013

Kapuso stars to join Heatwave Summer Bazaar on April 19-21


Press Release By GMA Network

Dadaluhan ng mga Kapuso star ang Heatwave Summer Bazaar na gaganapin sa World Trade Center Metro Manila, na magsisimula sa Biyernes, April 19 at tatagal hanggang Linggo, April 21.


Sa pagbubukas ng nasabing bazaar sa Biyernes ng umaga (10:00 a.m.), magsisilbing host si Janine Gutierrez at aawit naman ang bagong Kapuso artist na si Christian Bautista.

Pagsapit ng hapon sa Biyernes, makakasama naman sina Mike Tan, Denise Barbacena at Lovely Embuscado.

Sa Sabado ng hapon, makikisaya naman sa mga Kapuso sina Kris Bernal, Krizza at Ruru Madrid.

Habang sa Linggo ng hapon, sina Alden Richards, Chyna Ortaleza, Juanco Trivino at Dianne Hernandez naman ang makakasalamuha ng mga Kapuso sa bazaar.

Bukod sa pamimili ng iba't ibang gamit na pang-summer, magkakaroon din ng mga event sa bazaar tulad ng Mr. and Ms. Summer 2013 Competition,  Celebrity Auctions and Variety Shows, Fashion at Kiddie Show,  Make-Up and Wellness Demos at iba pa.
If You Like This Post, Click Here To Subscribe Via Pinoy Media Email
+AMDG+ DISCLAIMER: PINOY MEDIA does not claim credit for any images and videos and some articles featured on this site. All visual content, videos, copy and images and some articles, are copyrighted to its respective owners. By providing links to other sites, Pinoy Media does not guarantee, approve or endorse the information or products available at these sites, nor does a link indicate any association with or endorsement by the linked site to Pinoy Media. Information featured on Pinoy Media may contain errors or inaccuracies. If you own rights to any of the featured images, videos and articles and do not wish them to appear on this site, please Thank You. +THE ADMIN+

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...