Kim Chiu speaks up on rift with Gerald Anderson and Maja Salvador ~ Pinoy Media

Tuesday, April 23, 2013

Kim Chiu speaks up on rift with Gerald Anderson and Maja Salvador


Sa kanyang 23rd birthday celebration ay isang emotional interview ang pinaunlakan ni Kim Chiu sa programang The Buzz.



Naluha ang young actress nang mapanood ang VTR message sa kanya ng mga mahal niya sa buhay at pati narin  nang ipakita ang footage ng ginawa niyang charity event sa isang lugar sa Navotas.

Narito ang ilan sa mga importanteng tanong ni Boy Abunda at mga kumpletong sagot ni Kim Chiu:

Boy: Sa pitong taon ni Kim sa showbiz, may pagkakataon bang nasabi niyang sana ay hindi na lang siya sumikat para hindi na lang niya napagdaanan ang pain?

Kim: “Sa akin, wala akong nire-regret ni isa sa mga pinagdaanan ko sa buhay. “Thankful ako na naranasan ko yun at an early age at naharap ko sila at nalagpasan ko sila isa-isa. “Kasi yung iba, darating ang problema, matanda na sila. “So for me, bata ka pa lang, humarap na ako ng mga problema—from my parents and now to my friends. “Sa lahat ng nangyayari sa akin sa buhay, ayun, thankful ako, kasi ganito na ako tumayo ngayon.”

Boy: Bilang kaibigan, kumusta naman si Kim?

Kim: “Bilang kaibigan, hindi ako masyadong nagtitiwala sa isang kaibigan. “Kung may pagkakatiwalaan man akong isang kaibigan, isa lang o dalawa lang. Kasi, I’m not used to having a friend. “Kasi sa buhay ko, palipat-lipat kami ng lugar. Iba-ibang cities ako nag-aaral. So, I don’t usually have a best friend. "Pero siyempre, bilang kaibigan, ibibigay ko sa iyo ang lahat, ikukuwento ko sa iyo ang lahat. “I’ll treat you like a brother or a sister.”

Boy: Bilang girlfriend, kumusta siya?

Kim: “As a girlfriend naman, siguro ibibigay ko ang lahat para kung maghiwalay, hindi ako nagkulang.  “Parang hindi ako yung mali, parang ganoon. At the end, hindi ko ginawa ito, hindi ko ginawa yun. “So for me, kapag nag-love ako, ibubuhos ko na.”

Boy: Sa mga nangyari sa kanila ng ex-boyfriend niyang si Gerald Anderson, takot na ba siyang umibig muli?

Kim: “Hindi… dati oo… but now, sobrang tagal na noon,” “Hindi, pero yun nga, palaging nasa isip ko na everything happens for a reason. “You won’t meet that person if he has no purpose in your life–—so he or she ‘yan. “Kaya nangyari yun kasi you will learn a lesson.”

Boy: Napatawad na ba niya si Maja?

Kim: “It’s easy to forgive,” makahulugan niyang sabi. At dinugtungan ni Boy ng: “It’s hard to forget.”

Boy: Nakalimutan na ba niya?

Kim: “No,” mabilis niyang tugon. “Siyempre madaling magpatawad, pero mahirap kalimutan yung ginawa nila.”

Boy: Sa kabila ng lahat, nangangarap pa rin ba si Kim na magiging maayos ang lahat sa pagitan nila nina Gerald at Maja?

Kim: “Oo naman, wala namang nangangarap ng hindi magandang buhay. "Time will tell and, siguro, hindi pa ngayon.”

If You Like This Post, Click Here To Subscribe Via Pinoy Media Email
+AMDG+ DISCLAIMER: PINOY MEDIA does not claim credit for any images and videos and some articles featured on this site. All visual content, videos, copy and images and some articles, are copyrighted to its respective owners. By providing links to other sites, Pinoy Media does not guarantee, approve or endorse the information or products available at these sites, nor does a link indicate any association with or endorsement by the linked site to Pinoy Media. Information featured on Pinoy Media may contain errors or inaccuracies. If you own rights to any of the featured images, videos and articles and do not wish them to appear on this site, please Thank You. +THE ADMIN+

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...