Marian Rivera drops Popoy Caritativo as manager; returns to Tony Tuviera ~ Pinoy Media

Saturday, April 27, 2013

Marian Rivera drops Popoy Caritativo as manager; returns to Tony Tuviera


Hindi na si Popoy Caritativo ng  Luminary Talent Management ang manager ng sikat na Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera at muli itong bumalik sa dati nitong manager na si  Mr. Tony Tuviera ng Triple A .


Narito ang naging opisyal na pahayag ng actress:

"Opo, hindi na po ako kay Popoy... effective nung isang araw pa,"

Itinanung tuloy sa actress kung mayroon silang naging tampuhan or alitan ng dating manager:

"Hindi na nagiging productive yung relationship namin bilang talent manager at kaibigan.

"Isa lang ang sinabi ni Popoy: 'Rerespetuhin ko anuman ang nais mo.'"

"Sabihin na lang nating may mga hindi pagkakaintindihan,"

Sinabi rin ng kapuso actress na hindi raw ito biglaang desisyon ngunit Tumanggi siya na sabihin ang tunay na dahilan ng pagkalas niya sa dating manager bilang respeto na rin kay Popoy na naging manager niya sa napakahabang panahon.

Sinabi rin ng kapuso actress na idinaan niya sa pamamagitan ng isang liham ang kanilang paghihiwalay.

 “Ang paghihiwalay, sumulat ako ng letter sa kanya."

  "Lahat ng saloobin ko, lahat ng hindi niya nalalaman tungkol sa akin, sinabi ko lahat yun sa sulat—at doon nagsimula. "

“After the sulat, nag-text siya agad sa akin. 'Marian, na-receive ko ang letter mo. Kung 'yan ang desisyon mo, rerespetuhin ko yan.'”

"Pero sabi ko kasi, 'Poy, parang hindi ko pa yata kayang humarap sa ‘yo.'

 "Siyempre, seven years din kaming nagkaroon ng samahan at, sabi ko nga, medyo masakit din kasi ang nangyari sa akin, sa mga pinagdaanan ko. "

“So, siguro in time... hindi ko sinasarado ang pintuan ko. In time, ako mismo ang makikipag-usap sa kanya.”

If You Like This Post, Click Here To Subscribe Via Pinoy Media Email
+AMDG+ DISCLAIMER: PINOY MEDIA does not claim credit for any images and videos and some articles featured on this site. All visual content, videos, copy and images and some articles, are copyrighted to its respective owners. By providing links to other sites, Pinoy Media does not guarantee, approve or endorse the information or products available at these sites, nor does a link indicate any association with or endorsement by the linked site to Pinoy Media. Information featured on Pinoy Media may contain errors or inaccuracies. If you own rights to any of the featured images, videos and articles and do not wish them to appear on this site, please Thank You. +THE ADMIN+

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...