Ang Katapusan ng Kasaysayan ni Indio ~ Pinoy Media

Wednesday, May 29, 2013

Ang Katapusan ng Kasaysayan ni Indio

Nasaksihan natin ang kuwento ni Simeon—mula pagkabata hanggang sa pakikipaglaban niya sa mga mananakop na Kastila maging sa mga diwatang sakim sa kapangyarihan. Sa pagtatapos ng Indio, malalaman na natin kung ano ang kahihinatnan ng kuwento ng isang lalaking walang tanging hinangad kundi maging isang malaya at magmahal ng tunay sa kanyang pamilya at mga kaibigan.


Sa huling linggo ng Indio, maraming kaabang-abang na mga eksena ang dapat nating panoorin. Mula Lunes siksik na siksik ang mga pangyayari na magaganap. Tiyak na hindi kayo bibitiw hanggang Biyernes dahil malalaman na natin ang katapusan ng kasaysayan ni Simeon/Malaya.

Maraming mga katanungan ang masasagot sa pagsasara ng aklat ng buhay ni Simeon/Malaya at pati na rin ng mga tauhang naging bahagi ng kanyang paglalakbay.

Sadya nga bang wala nang katapusan ang paghahangad ni Juancho ng kapangyarihan ng mga Diwata? Sino sa mga Diwata ang dapat pagkatiwalaan ni Malaya at sino din sa kanila ang tutulong sa kanya upang matupad ang kanyang bugna?

Mahanap na rin kaya ni Esperanza ang nawawalang anak na si Antonio? At ano ang gagawin ni Victoria sa pagsiklab ng rebolusyon ng mga katutubo? Makakamit ba ni Bahandi ang pag-ibig ni Magayon?

Magkakasundo pa kaya sina Magayon, Sidapa at Burigadang Pada Sinaklang Bulawan? Ano ang magiging pasya nila sa mga kapalaran ng mga tao?

Ngunit ang pinakamahalagang katanungan na dapat natin abangan ang kasagutan ay kung ano ang mangyayari kay Simeon/Malaya at kung matutupad niya ang bugna na itinakda ng mga diwata.

Huwag palampasin ang maaksyon at madramang katapusan ng Indio, sa GMA Telebabad. --Text by Loretta G. Ramirez, GMANetwork.com
If You Like This Post, Click Here To Subscribe Via Pinoy Media Email
+AMDG+ DISCLAIMER: PINOY MEDIA does not claim credit for any images and videos and some articles featured on this site. All visual content, videos, copy and images and some articles, are copyrighted to its respective owners. By providing links to other sites, Pinoy Media does not guarantee, approve or endorse the information or products available at these sites, nor does a link indicate any association with or endorsement by the linked site to Pinoy Media. Information featured on Pinoy Media may contain errors or inaccuracies. If you own rights to any of the featured images, videos and articles and do not wish them to appear on this site, please Thank You. +THE ADMIN+

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...