Bagong bersyon ng ‘Anna Karenina’, pangungunahan nina Krystal Reyes, Barbie Forteza at Joyce Ching ~ Pinoy Media

Wednesday, May 22, 2013

Bagong bersyon ng ‘Anna Karenina’, pangungunahan nina Krystal Reyes, Barbie Forteza at Joyce Ching


Magbabalik sa telebisyon ang TV series na sinubaybayan mula 1996 hanggang 2002, ang Anna Karenina. Ito ang seryeng pinagbidahan noon nina Antoinette Taus, Sunshine Dizon at Kim Delos Santos. Ngayong 2013, ang mga Kapuso young stars na sina Krystal Reyes, Barbie Forteza at Joyce Ching ang magbibigay buhay sa mga karakter nina Anna, Karen at Nina.


Sa panayam ng Startalk TX sa tatlong bida ng Anna Karenina noong May 18, inilahad ng mga ito ang kanilang naramdaman noong nabalitaan nilang parte sila ng proyektong ito.

Ani Krystal, na gaganap bilang Anna, “Nakakapressure kasi ‘di ba po, sobrang tagal ng Anna Karenina dati and sobrang thankful kasi nakasama kami sa cast.”

Makakatambal ni Krystal si Julian Trono, na gaganap bilang Brix. Sina Antoinette Taus at Dingdong Dantes ang nagsiganap bilang Anna at Brix sa naunang bersyon ng Anna Karenina.

Si Barbie naman, hindi inaasahan na sa kanya ipagkakatiwala ang pinakabagong karakter niyang si Karen, na ginampanan noon ng Kapuso actress na si Sunshine Dizon. Ayon kay Barbie, “Nagulat ako talaga. Hindi ako makapaniwala na sa akin ibibigay ‘yung role ni Karen, pero super excited ako kasi nga new challenge siya para sa akin kasi parang sa lahat ng roles na ginampanan ko, ito ‘yung talagang masasabi kong iba.”

Makakatambal muli ni Barbie si Derrick Monasterio, na nakasama din niya noon sa Paroa: Ang Kuwento ni Mariposa. Gagampanan ni Derrick ang papel ni Vincent, na ginampanan noon ni Polo Ravales.

Bibigyang buhay naman ni Joyce Ching ang karakter ni Nina, na ginampanan noon ni Kim Delos Santos. Pagbabahagi ni Joyce, “Sobrang saya ko po nung nabalitaan ko nga na kasama ako sa Anna Karenina, tapos nalaman ko pa na ako si Nina; hindi na ako kontrabida na sobrang kontrabida. Natuwa po talaga ako, sobra, at saka siyempre medyo na-pressure na rin kasi nga sobrang haba ng run ng Anna Karenina noon.”

Si Hiro Magalona ang makakapareha ni Joyce Ching sa proyektong ito. Nagkatrabaho na sila dati sa Tween Hearts, at excited na silang magkatrabaho muli. Gaganap si Hiro bilang Bryan, na ginampanan noon ni Dino Guevarra.

Huwag palampasin ang Anna Karenina, na magsisimula na ngayong Hunyo sa GMA Telebabad. -- Text by Samantha Portillo, GMANetwork.com
If You Like This Post, Click Here To Subscribe Via Pinoy Media Email
+AMDG+ DISCLAIMER: PINOY MEDIA does not claim credit for any images and videos and some articles featured on this site. All visual content, videos, copy and images and some articles, are copyrighted to its respective owners. By providing links to other sites, Pinoy Media does not guarantee, approve or endorse the information or products available at these sites, nor does a link indicate any association with or endorsement by the linked site to Pinoy Media. Information featured on Pinoy Media may contain errors or inaccuracies. If you own rights to any of the featured images, videos and articles and do not wish them to appear on this site, please Thank You. +THE ADMIN+

1 comment:

  1. Bakit derrick na naman? di cla bagay, di kz pangmasa si derrick, mas ok pa c k. martin na lng maging permanent leading man ni barbie, bagay at magkalevel, the nxt MR & DD of GMA.

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...