Dennis Trillo and Tom Rodriguez are lovers in new kapuso show ~ Pinoy Media

Tuesday, May 21, 2013

Dennis Trillo and Tom Rodriguez are lovers in new kapuso show


Isa sa mga upcoming shows GMA-7 ay ang My Husband’s Lover kung saan magkalaguyo ang mga karakter na gagampanan nina Dennis Trillo at bagong Kapuso artist na si Tom Rodriguez. Si Dennis at Tom ay parehong talents ni Popoy Caritativo.


Ang My Husband’s Lover ay tungkol sa isang babaeng natuklasang may kalaguyo ang asawang lalaki na isa ring lalaki. Si Carla Abellana ang gaganap ng asawa ng karakter ni Dennis.

“Yes, this is the first time ever na ang kakumpitensiya ko ay isang lalaki, which is bago and mahirap in many ways. Kasi mahirap na, na meron kang karibal na babae, mas mahirap siguro kung lalaki, di ba? So first time at ito challenge ito sa akin,” ayon kay Carla sa taped interview ng StarTalk TX.

“And I know for sure na napakapainful dun sa character na ipi-play ko,” ayon pa sa aktres.

Ayon naman kay Dennis: "First time ko pong gagampanan itong ganitong klaseng role. Sa tingin ko po first time din itong gagawin sa isang teleserye kaya exciting pero nakakakaba.”

Ayon naman sa gaganap na kalaguyo ni Dennis na si Tom: “Ito yung role na parang in-avoid ko ng sobrang tagal kasi feeling ko hindi ko kayang gampanan kaya pag inaalok ako ng ganitong klaseng role, takot ako, sabi ko baka hindi ko ma–portray ng tama, ganun.

“Pero nung narinig ko itong ganitong kagandang material, isang beses lang sa buong buhay mo darating na ganun, sayang, tatalikuran mo pa ba?”

Ito ang magsisilbing unang proyekto ni Tom para sa Kapuso Network. Aniya, “I’m very happy na kasama ko dito si Dennis kasi matagal ko ng kaibigan, matagal ko ng kilala, kapatid ko kay Popoy.

“Para at least mabawasan naman yung ilang factor.”

Kabilang din sa cast ang Pop Diva na si Kuh Ledesma.

“Exciting,” ang paglalarawan ni Kuh sa upcoming teleserye niya. “Kasi talagang nangyayari ito sa totoong buhay.

“Kami ni direk Dominic Zapata, nagkukuwentuhan kami especially ngayon na Christian na ako, nakakarinig ako ng mga stories na mga ganyan, talagang nangyayari.”

Ang proyektong ito ay itinuturing daw ni Dennis na maagang birthday gift.

“Ito na nga e, parang advance birthday wish na natupad.

“Pero bukod dun kasi hindi pa natin alam kung gaano kaluwag tatanggapin ito ng mga manonood dahil sabi nga ng direktor namin itong proyektong ito napaka-risky at kakaibang relasyon ang mapapanood nila dito.”

Sa June 10 magsisimulang ipalabas ang My Husband’s Lover sa GMA-7.

If You Like This Post, Click Here To Subscribe Via Pinoy Media Email
+AMDG+ DISCLAIMER: PINOY MEDIA does not claim credit for any images and videos and some articles featured on this site. All visual content, videos, copy and images and some articles, are copyrighted to its respective owners. By providing links to other sites, Pinoy Media does not guarantee, approve or endorse the information or products available at these sites, nor does a link indicate any association with or endorsement by the linked site to Pinoy Media. Information featured on Pinoy Media may contain errors or inaccuracies. If you own rights to any of the featured images, videos and articles and do not wish them to appear on this site, please Thank You. +THE ADMIN+

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...