Dennis Trillo, paninindigan ang pagiging bakla ~ Pinoy Media

Wednesday, May 22, 2013

Dennis Trillo, paninindigan ang pagiging bakla


Matapos ang kanyang matagumpay na pag-ganap bilang Marcel sa Temptation of Wife, isa na namang de-kalibreng role ang uumpisahan ni Dennis Trillo sa My Husband’s Lover ngayong June sa GMA Telebabad.


Sa story conference ng My Husband’s Lover, isang tanned na Dennis Trillo ang humarap sa press upang sumagot sa mga katanungan tungkol sa kanyang controversial show. Napag-alaman ng GMANetwork.com na Dennis will be playing the gay lover sa kakaibang love triangle ng story.

Paano nga ba niya pinaghahandaan ang kakaibang role na ito?

“Ako kasi tahimik ako na tao, mahilig akong mag-observe. Sa inilagi ko sa showbiz, marami na akong mga naobserbahan, kung baga nakapag research na ako sa pagmamatyag ko sa ibat ibang tao. So ngayon, i-adjust ko na lang siya tapos manonood na lang ako ng mga films na tulad ng Brokeback Mountain, hindi ko pinapanood ito dati kasi hindi ko alam  kung maasiwa ako eh, pero ngayon kailangan ko syang panoorin para makakuha ako ng konting pointers.”

Idinagdag pa niya na sa dami ng kakilala niyang gay sa industriya, “every day may napupulot akong mga nuances.”

Pero hindi ba sya natatakot na baka pagdudahan ang kanyang gender preference kapag ipinalabas na ang My Husband’s Lover sa June?

“Siguro sa dami nang nangyari sa buhay ko, sa showbiz, kung meron man siguro, merong konti [na magdududa]. Pero karamihan siguro hindi na ako pagiisipan.

Natakot din ako sa umpisa kasi araw-araw akong makikita sa TV. Pero kailangan panindigan ko na lang talaga. Ipakita ko na karadapat dapat ding mahalin ang character ko.”

Pero no doubt isa na naming challenge ito sa actor na ilang beses na rin pinarangalan sa kanyang mga roles na ginampanan.

“Sobrang challenging ito, lalong-lalo na first time ko makakatrabaho yung ka-partner ko na si Tom Rodriguez. Si Carla Abellana ngayon ko lang din makakatrabaho sa isang mahabang series.”

But the big question is handa  ba syang harapin ang challenge ng pagiging initimate sa isang kapwa lalaki?

“Nagawa ko na yan dati sa pelikula, kaya hindi ako magkakaroon ng problema kung gagawin ko ulit. Pero ang problema lang kung puwede ba ito ipalabas sa TV. Bahala na ang director namin dyan, may tiwala ako sa kanya,” ang nakangiting pagtatapos ng actor sa interview.

Abangan ang My Husband’s Lover ngayong June sa GMA Telebabad.
 -- Text by Loretta G. Ramirez
If You Like This Post, Click Here To Subscribe Via Pinoy Media Email
+AMDG+ DISCLAIMER: PINOY MEDIA does not claim credit for any images and videos and some articles featured on this site. All visual content, videos, copy and images and some articles, are copyrighted to its respective owners. By providing links to other sites, Pinoy Media does not guarantee, approve or endorse the information or products available at these sites, nor does a link indicate any association with or endorsement by the linked site to Pinoy Media. Information featured on Pinoy Media may contain errors or inaccuracies. If you own rights to any of the featured images, videos and articles and do not wish them to appear on this site, please Thank You. +THE ADMIN+

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...