Full Text --- Vice Ganda apologizes to Jessica Soho over rape joke ~ Pinoy Media

Thursday, May 30, 2013

Full Text --- Vice Ganda apologizes to Jessica Soho over rape joke

GMA News reported that Vice Ganda made a public apology to GMA News anchor Jessica Soho for making fun of the popular news personality, which included a "gang rape" joke that has been widely criticized on social media.


VICE GANDA’S FULL STATEMENT.

“I just wanna make things right and I wanna make this day a beautiful one and start this right.

“Alam naman na po natin ang mga isyu. May mga malaking-malaking isyu na lumalaganap ngayon.

“May 17, 2013, naganap po ang I-Vice Ganda Mo ‘Ko Sa Araneta. It is a comedy concert. It is a comedy show. It is an enlarged comedy bar show kasi naganap po sa Araneta.

“After 11 days, kahapon [May 28], may lumabas pong mga issue, na may mga na-offend, may ibinato sa aking issue, mayroon akong nalampasang linya, na mayroon akong sinabing hindi maganda, na mayroon akong mga taong sinadyang saktan, may mga tao akong natapakan.

“Ang dami pong lumabas sa Twitter, sa social networking [sites], sa news... ang dami.

“Pero hindi po ako nagsalita kasi gusto kong pag-aralan ang mga pangyayari kaya hindi ako nagsalita.

“At gusto kong i-take ang sitwasyong ito nang may tamang pag-iisip.

“Ayaw kong gamitin ang galit para mag-react.

“Ayaw kong gamitin ang pagiging immature para makipaglaban. Gusto kong maging matalino.

“At kahit matalino po ako, kahit sinasabi ng ibang tao na marunong ako, matalino ako, mayroong mga taong mas matalino sa akin at mas nakakaunawa at humingi po ako ng tulong.

“Tumawag po ako sa tanggapan ng ABS-CBN, tumawag po ako sa big bosses.

“Nakipag-meeting po sa akin si Tita Cory Vidanes, ipinatawag po nila ako, at sinabi nila sa akin na, 'Ito ang isyu, ito ang kumakalat na isyu ngayon.'

“Ito po ay tungkol kay Ms. Jessica Soho at sa sinasabi nilang joke ko about rape victims, na mayroon po akong joke about rape victims.

“Tinanong nila ako, ‘Ano bang take mo dito? Ano ba ang gusto mong gawin?’

“Sinabi ko po sa kanila, sa mga big bosses, na hindi ko naman po kinakailangang i-justify ang joke ko o bigyan ko ng magandang katuwiran ang joke ko.

“Ang joke ay depende sa tao kung paano mo tatanggapin ang joke.

“Hindi lahat ng joke ay matatanggap ng isang tao. At walang isang joke na pinagtawanan ng lahat.

“Lahat ng joke, may taong tatawa. At lahat ng joke, may taong hindi magiging pabor sa joke na ito.

“Ngayon, sinasabi ko na po na sinasadya man o hindi sinasadya, may na-offend akong tao.

“Alam ko sa sarili ko ‘yon at tinatanggap ko.

“Maaaring na-offend ko nga si Ms. Jessica Soho.

“Bukod kay Ms. Jessica Soho, marami po akong karakter sa mga jokes ko. Nabanggit ko rin po ang pangalan ni Ms. Kris Aquino, ni Mr. Boy Abunda, ni Mr. Kim Atienza, Mr. Gus Abelgas, Ms. Pia Hontiveros, Ms. Grace Poe, Ms. Nancy Binay, at marami pang iba.

“Pero sa pagkakataong ito, sigurado akong na-offend si Ms. Jessica Soho at sinabi niyang na-offend siya.

“So, sabi ko, tatanggapin ko ‘yon, na naka-offend ako ng tao. At kung naka-offend ka ng tao, tanggapin mo ang pagkakamali mo.

“At paano mo ba ito matatanggap kung naka-offend ka at nagkamali ka?

“Hindi ko makakalimutan ang isang simpleng naituro sa akin ng mga magulang ko: ‘Sinasadya mo man o hindi mo sinasadya, kapag nakasakit ka, humingi ka ng patawad at paumanhin.’

“Lumaki na po nang lumaki ang isyu na ‘to.

“Marami na silang sinabi kung ano ang sinabi ko at kung ano ang mga naganap doon sa concert na ‘yon.

“Hindi na ako makikipagtalo. Kasi, kung makikipagtalo ako, hahaba lang nang hahaba.

“Ang mga salita ko magiging laban sa mga salita nila. Ang mga salita nila magiging laban sa salita ko.

“At hindi lang naman kami ang naglalaban-laban. Lahat ng tao nagsalita na, nagbigay na ng opinyon.

“Itigil na natin ‘to. Itigil na natin ang pagbibigay ng opinyon lalo’t lalo pa kung hindi niyo naman alam ang nangyari at hindi kayo nakapanood. Kasi, magiging magulo lang ang mundo.

“So, para po sa akin, tinanong ng management, ‘Ano ang gusto mong gawin?’

“‘Gusto ko pong mag-apologize kay Ms. Jessica Soho.’

“Puwede akong mag-apologize sa Twitter, puwede akong mag-apologize sa Facebook.

“Puwede akong magpa-interbyu kung saan-saan. Puwede kong gamitin ang programang ito para mag-apologize.

“Pero ang sabi ko, ‘Sa akin naman nagsimula, at may binitawan akong salita na naka-offend doon sa tao. Kung hihingi ako ng paumanhin, mas sinsero at mas mararamdaman niya ang sinseridad ko kapag sinabi ko sa kanya nang personal.’

“Kaya tinanong ako ulit ni Tita Cory, ‘Ano ang gusto mong gawin?’

“‘Gusto ko pong gawing personal ang paghingi ko ng kapatawaran at ng paumanhin. Gusto ko pong makausap si Ms. Jessica Soho.’

“Kaya ang sabi ng management, ‘Kung sa palagay mo ‘yan ang tama, at sa palagay din namin ay ‘yan ang tama, humingi ka ng paumanhin nang personal. Tawagan mo si Ms. Jessica Soho.’

“Buong-puso ko pong gustong humingi ng tawad.

“As much as possible, ayaw kong maging pampubliko ito kasi ang plastic.

“Kung gusto mo humingi ng tawad, dun ka dumiretso sa tao.

“Kung may gusto ka iparating dun sa tao, diretsahin mo yung tao.

“Huwag mo iparating sa kung saan-saan, kaya tinawagan ko po karakaraka kanina si Ms. Jessica Soho.

“Nag-ring ang phone. May tumanggap sa tawag ko.

“Sa boses pa lang, alam kong si Miss Jessica Soho. Kaya sabi ko, ‘Good morning po, magandang umaga po, puwede ko po bang makausap si Miss Jessica Soho?’

"At sumagot, sabi niya, ‘Sino ito? Para saan ito?’ Sabi ko, ‘Ay, ako po si Vice Ganda.’

“Tapos sabi niya, ‘A, si Jessica Soho ito. Pasensiya ka na kasi hindi maganda ang timpla ko ngayong araw na ito.’

“Kaya sabi ko naman, ‘A, okay po. Is it okay if I just call you later, or tomorrow or some other day?’

“Ang sabi niya, ‘I don’t think so.’

“So, sa pakiwari ko, maaaring nasasaktan pa siya, nasasaktan pa siya, nagagalit pa siya.

“Hindi pa siya tapos dun. Hindi pa niya ako kayang patawarin kaya hindi ko nasabi ang gusto kong sabihin.

“At nung sinabi ninyo po, Miss Jessica Soho, na you don’t think tomorrow or some other day or later, kaya ngayon ko na lang po gagawing pampubliko ito para makarating po sa inyo.

“Ako po talaga ay humihingi ng paumanhin, humihingi po ako ng paumanhin.

“Opo, iyon po ay isang biro na maaaring sa inyo ay hindi magandang biro.

“At kung hindi po magandang biro yun, at nasaktan ko po kayo talaga, humihingi po ako ng paumanhin, patawad po.

“At ipinapangako ko po sa inyo, hindi na kayo magiging kasama kailanman sa ano mang tema ng pagtatanghal ko.

“Yun lang po ang nararamdaman ko at ang naiisip ko pong tamang gawin para makabawi po ako, kung nasaktan ko po kayo.

“Yun lang po, humihingi po ako ng kapatawaran.

“Kung hindi niyo po ako kayang patawarin sa ngayon, sana po balang-araw, mapatawad niyo po ako dahil inuulit ko po, yun po ay isang biro lamang.

“Katulad po ng sinabi ko bago pa magsimula ang konsiyerto ko, na lahat ng mangyayari po doon ay biro lamang.

“Tungkol naman po dun sa issue ng rape, na ginawa ko raw katatawanan ang rape nang gabing iyon, lahat po ng nakapanood nung gabi iyon na nasa konsiyerto, umuwi ng bahay nila nang walang naalalang ginawa kong katatawanan ang rape.

“Pero hindi ko na ulit idya-justify kung ano'ng ginawa ko, kung ano'ng ginawa kong tama, kung ano'ng ginawa kong mali. Hindi ko na po idya-justify.

“Gusto ko lang pong klaruhin sa lahat na hindi ko po kailanman gustong kutyain ang sino mang rape victim.

“Wala po akong intensiyong masama na pagtawanan ang mga rape victims.

“Alam ko pong seryoso ang issue ang tungkol sa rape kaya hindi ko po ginawang seryoso na pagtawanan ang mga rape victims.

“Wala po akong intensiyon na masama.

“Gayunpaman, kung meron pong nasaktan, humihingi po ako ng paumanhin.

“At sa mga lahat po ng nakisali na sa isang maliit na isyu na ‘to, na pinalaki nang pinalaki nang pinalaki, na nagmukhang isang national issue, na nagsimula sa isang simpleng biro, kung hindi n'yo po nagugustuhan ang pagpapatawa ko, paumanhin po sa inyo.

“Kung hindi n'yo po ako ako nauunawaan, paumanhin po sa inyo.

“Sa mga nakakaunawa nang mahusay sa mga biro ko, maraming-maraming salamat.

“Ako po ay tao, mukha lang po akong kabayo. Hindi po ako perpektong komedyante.

“Alam ko po sa sarili ko, nakasisiguro ako, na hindi po lahat ng jokes ko ay nakakatawa at hindi naman po lahat ng komedyante ay nakakatawa.

“Meron at merong isang taong tatayo at magsasabing ‘hindi naman ako natawa.’

“Depende iyan sa kung paano mo tatanggapin.

“Gayunpaman, sa lahat po ng nasaktan ko, buong puso, mula sa puso ko, sinasambit ng dila ko at lumalabas sa bibig ko ngayon, hindi lang basta idinidikta ng ibang tao at ng utak ko, humihingi po ako ng paumanhin.

“Hindi ko po sinasabing hindi na ako magkakamali bilang isang tao, alam kong matapos ang paumanhin na ito, sa pagtahak ko sa mundong ito, magkakamali at magkakamali ako.

“Kaya magkamali man po ako, hindi po ako magdadalawang-isip tanggapin ang pagkakamali ko at humingi ulit ng paumanhin.

"Kaya sana po tapusin na natin ang isyung ito. Mas maganda... ipinapanalangin ko na mapatawa ako.

“Sa lahat ng mga nagsalita rin sa akin ng masama, lalo na yung mga hindi nakaunawa at hindi naman nakapanood at nakarinig lang, okay lang. Hindi ako nagagalit.

“Kung hindi n'yo ako nauunawaan, ako ang uunawa sa inyo. Maraming salamat po."
If You Like This Post, Click Here To Subscribe Via Pinoy Media Email
+AMDG+ DISCLAIMER: PINOY MEDIA does not claim credit for any images and videos and some articles featured on this site. All visual content, videos, copy and images and some articles, are copyrighted to its respective owners. By providing links to other sites, Pinoy Media does not guarantee, approve or endorse the information or products available at these sites, nor does a link indicate any association with or endorsement by the linked site to Pinoy Media. Information featured on Pinoy Media may contain errors or inaccuracies. If you own rights to any of the featured images, videos and articles and do not wish them to appear on this site, please Thank You. +THE ADMIN+

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...