Pauleen Luna and Bossing Vic Sotto NAGPAKASAL sa Hong Kong !? ~ Pinoy Media

Wednesday, May 22, 2013

Pauleen Luna and Bossing Vic Sotto NAGPAKASAL sa Hong Kong !?


Matapos ang Hong Kong and Macau trip ni Pauleen Luna with her boyfriend, Bossing Vic Sotto, naging usap-usap

an na nagpakasal na ang dalawa. Diretsahang nilinaw ni Pauleen ang isyu na ito.

Sa panayam ni Pauleen with Startalk TX noong May 18, natatawang ibinahagi ng TV host/actress, “Hindi ko lang alam kung saan nanggaling [ang mga balita tungkol sa kasal].”

Dagdag pa ng Unforgettable actress na siya ay nagulat, “kasi buti pa sila, alam nila. Hindi ko alam, it’s not true.”

Natanong din ng Startalk kung ano ang naging reaksyon ng pamilya ni Pauleen sa isyu. Ani Pauleen, “Hindi sila naniwala kasi they trust me enough and they know naman that I’ll tell them. Like what I said, it’s a big decision, so, alam naman nila na hindi ako magtatago and hindi naman talaga ako nagtatago.”

Itinanggi din ni Pauleen na napag-uusapan na nila ni Bossing Vic Sotto ang tungkol sa pagpapakasal. Pagliliwanag niya, “Wala, hindi po totoo ‘yun, 'tsaka if ever that time comes, hindi naman itatago.”

Kasalukuyang napapanood si Pauleen Luna sa Eat Bulaga at sa GMA Afternoon Prime na Unforgettable. -Text by Samantha Portillo, GMANetwork.com
If You Like This Post, Click Here To Subscribe Via Pinoy Media Email
+AMDG+ DISCLAIMER: PINOY MEDIA does not claim credit for any images and videos and some articles featured on this site. All visual content, videos, copy and images and some articles, are copyrighted to its respective owners. By providing links to other sites, Pinoy Media does not guarantee, approve or endorse the information or products available at these sites, nor does a link indicate any association with or endorsement by the linked site to Pinoy Media. Information featured on Pinoy Media may contain errors or inaccuracies. If you own rights to any of the featured images, videos and articles and do not wish them to appear on this site, please Thank You. +THE ADMIN+

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...