Xian Lim explains alleged misunderstanding with Enchong Dee ~ Pinoy Media

Tuesday, May 7, 2013

Xian Lim explains alleged misunderstanding with Enchong Dee


Ayon sa ulat ng PEP, pumutok ang balita kamakailan na nagkaroon daw ng kumprontasyon sa pagitan nila Enchong Dee at Xian Lim sa set ng Ina, Kapatid, Anak.

Ang dahilan ang pagdalaw daw ng mga fans ng huli sa set ng IKA kung saan may regulasyon daw sa nasabing serye na di pinapayagan ang mga fans na pumunta sa set para tuluy-tuloy at di maistorbo ang taping.


Nagkasagutan daw ang dalawang aktor dahil kung nakadalaw ang mga fans ni Xian ay di naman daw ito nagawa ng mga fans naman ni Enchong.

Narito ang pahayg ni Xian sa insidente:

“With Enchong yung nangyari nga na yun.

“Ito, ikukuwento ko lang kasi ikaw ang first na nag-interview sa akin so just to make it clear,” panimulang bungad ni Xian.

“Binawalan nila [production people] ang lahat ng mga fans to go there pero ang nangyari, all of a sudden nagising na lang ako na may mga fans, may mga supporters, mga regular supporters namin. I thought it would be impolite, improper para sabihin sila na, “ay, umalis na kayo.”

“Kahit anong way ko pang sasabihin yun, off pa rin... inappropriate... kaya I decided to entertain them. I guess people got offended... people got the wrong idea na they thought na sumusuway ako sa rules and regulations.

“It’s just really being polite to our visitors who were already there, and it seemed improper and rude to have to turn them away.”

“May pakain silang tatlong litson, tatlong palabok, yun lang yun.

“Parang fiesta talaga kasi it’s Kim’s birthday, papalapit ang birthday ni Kim, sabihin natin one day before Kim’s birthday.

“Fans namin yun, parang lauriat fiesta—lechon de leche, pansit palabok. Just to make it clear and sinabi ko rin sa production na sana wag kayong magalit sa akin kasi pinaglalaban ko lang ang mga supporters ko kasi sila pinaglalaban nila ako.

“Kung magagalit kayo sa akin because you felt na I disobeyed the rule, it’s more of being polite,” giit niya.

Misunderstand with Enchong:

“Mayroong misunderstanding na in the set na akala nila sumusuway nga ako but I explained.

“Ang sasabihin ko lang coz I read the article, of course I read it, di naman puwedeng kunwari di ko nabasa... nabasa ko yung article.

“I think people should not exaggerate things kasi ang nangyari lang, unang-una di ako naninigaw ng tao, kung sasabihin nilang naninigaw ako okay lang, I can’t really please everyone babalik tayo dun pero di po ganun.

“I was just explaining myself na ipaglalaban ko ang mga taong pinaglalaban ako. The whole purpose of the situation was not to be impolite, para walang tampuhan on both ends.

“I’m sure the production would understand na nandun na sa itaas [yung mga fans]... okay lang sana kung di pa nila kami nakikita, nandun na sa tabi namin.

“Kami ni Enchong nag-uusap kami, imposibleng di kami mag-usap niyan. Siyempre may misunderstanding na nagaganap but it’s not the way people think.

“Ako kasi open ako sa kanya, I’m sure he’ll be open din sa akin. Yun lang ang sasabihin ko, kung misunderstanding man, oo may misunderstanding pero napag-uusapan.

“Di yung dededmahin ko siya, di kami mag-uusap... walang ganun.

“Klaro naman sa amin after Katorse, after Reunion, after tour kami ang magka-roomate, I don’t want to say strong bond but parang we have a past to say something, di ba? IKA, we’d been doing it for about a year, di maiwasan ang tension.

Final Statement:

“Just to make it clear, yun nga tension in the set with the people visiting. Sinabi ko let’s move along, alam kong bawal pero nandiyan na sila. I’m pretty sure more than 10,000 [pesos] ang nagastos nila para sa pagkain kasi for everyone.

“Siguro I was just asking for a little bit of respect from both ways. Sabihin natin maybe things get exaggerated. Sa akin lang don’t exaggerate things not only with the writers but to people base sa hearsay,” patuloy niyang paliwanag.

“No, either way mag-uusap at mag-uusap kami, iisa ang standby area namin kaya either way we will talk. I’m not gonna speak for everyone, but for me, I’m okay. Ako sabi ko nga I’m okay, walang problema sa akin.”

“Wala naman sa akin, wala naman akong ano with fans of Enchong, wala namang pagitan between us kasi lahat naman dun bumibisita before pero ngayon wala na,” kuwento pa niya.

If You Like This Post, Click Here To Subscribe Via Pinoy Media Email
+AMDG+ DISCLAIMER: PINOY MEDIA does not claim credit for any images and videos and some articles featured on this site. All visual content, videos, copy and images and some articles, are copyrighted to its respective owners. By providing links to other sites, Pinoy Media does not guarantee, approve or endorse the information or products available at these sites, nor does a link indicate any association with or endorsement by the linked site to Pinoy Media. Information featured on Pinoy Media may contain errors or inaccuracies. If you own rights to any of the featured images, videos and articles and do not wish them to appear on this site, please Thank You. +THE ADMIN+

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...