Ilang programa ng GMA at GMA News TV, kinilala sa US Int'l Film & Video Festival ~ Pinoy Media

Saturday, June 15, 2013

Ilang programa ng GMA at GMA News TV, kinilala sa US Int'l Film & Video Festival

Tumanggap ng parangal sa US International Film & Video Festival ang ilang programa ng GMA-7 at GMA News TV, na pinangunahan ng news program na State of the Nation with Jessica Soho (SONA).

Tumanggap ng Silver Screen award ang special coverage ng SONA na, "The Wrath Of The Monsoon."  Tungkol ito sa nangyaring pananalasa ng malakas na pag-ulan noong Agosto 2012 na nagpalubog sa baha sa malaking bahagi ng Metro Manila at kalapit na mga lalawigan.

Ang SONA ay napapanood gabi-gabi sa GMA News TV channel 11, kung saan ang tagapagbalita ay ang multi-awarded journalist at vice president for news programs ng GMA Network na si Jessica Soho.

Samantala, tumanggap naman ng Certificates of Excellence ang  primetime news program ng GMA-7 na 24 Oras, gayundin ang award winning documentary program na I-WITNESS para sa episode nitong "Santo at Sikreto."  Kasama rin ang Kapuso Mo, Jessica Soho: "Photographs of Typhoon Pablo;" at ang late night news program na SAKSI.

Umani rin ng Certificate for Excellence ang mga entrainment program ng GMA na IBilib; Kusina Master at ang drama series na Pahiram ng Sandali, na pinagbidahan nina Dingdong Dantes, Lorna Tolentino at Max Collins.

Hindi rin nagpahuli sa pagkuha ng Certificate of Excellence ang mga programa ng GMA News TV na Bawal Ang Pasaway kay Mareng Winnie (Monsod); ang GMA NEWS TV Special-San Pedro Calungsod; at I Juander.

Nakabase sa Los Angeles, USA, itinatag ang US International Film & Video Festival noong 1967, upang bigyan ng pagkilala ang mga "outstanding corporate, education, entertainment, cocumentary and student productions."

Nakatakdang ganapin ang pagkakaloob ng mga parangal sa June 24.
If You Like This Post, Click Here To Subscribe Via Pinoy Media Email
+AMDG+ DISCLAIMER: PINOY MEDIA does not claim credit for any images and videos and some articles featured on this site. All visual content, videos, copy and images and some articles, are copyrighted to its respective owners. By providing links to other sites, Pinoy Media does not guarantee, approve or endorse the information or products available at these sites, nor does a link indicate any association with or endorsement by the linked site to Pinoy Media. Information featured on Pinoy Media may contain errors or inaccuracies. If you own rights to any of the featured images, videos and articles and do not wish them to appear on this site, please Thank You. +THE ADMIN+

2 comments:

  1. Very informative article. I liked it.
    corporate training in chennai corporate training in chennai



    corporate training companies in india corporate training companies in india


    corporate training companies in chennai ES6 Corporate Training

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...