Panoorin ang press conference ng ‘My Husband's Lover’ via livestreaming on June 4 ~ Pinoy Media

Tuesday, June 4, 2013

Panoorin ang press conference ng ‘My Husband's Lover’ via livestreaming on June 4

Isang kakaibang love triangle ang sasalubong sa mga Kapuso viewers simula June 10 sa pamamagitan ng My Husband's Lover. Starring Carla Abellana, Dennis Trillo, and Tom Rodriguez, the primetime drama offering will tackle issues on acceptance, forgiveness, and real love.


College pa lang nang mabuntis si Lally (Carla Abellana) ng boyfriend niyang si Vincent (Tom Rodriguez). Mabait at matino ang kasintahan kaya pinanindigan niya ang kanilang pag-iibigan. Pagkatapos nilang ikasal sa huwes at magkaroon ng dalawang anak, naisipan ni Vincent na pakasalan si Lally sa simbahan bago ito muling magtampo at lumayas sa kanilang bahay.

Lalong naging sweet at attentive si Vincent sa asawa. Madalas ay may surprise na regalo ito kay Lally kaya naging kampante siya na wala nang makakasira sa kanilang pagsasama.

Ngunit may isang lihim si Vincent na hindi alam ni Lally—isa siyang closeted gay. At darating ang isang matinding pagsubok sa relasyon nila ni Lally, ang pagbabalik ng one great love ni Vincent na si Eric.

Ano kaya ang mga gagawing hakbang ni Lally kapag natuklasan niya ang relasyon nina Vincent at Eric? Ipaglalaban kaya niya ang karapatan niya bilang asawa o tuluyan niyang tatalikuran si Vincent?

Get a sneak peek at the much-anticipated prime time program, My Husband's Lover, by watching its press conference via livestreaming on Tuesday, June 4, 2013, at 7:00 p.m. Log on to gmanetwork.com/livestreaming to witness this exclusive event. -- Michelle Caligan, GMANetwork.com
If You Like This Post, Click Here To Subscribe Via Pinoy Media Email
+AMDG+ DISCLAIMER: PINOY MEDIA does not claim credit for any images and videos and some articles featured on this site. All visual content, videos, copy and images and some articles, are copyrighted to its respective owners. By providing links to other sites, Pinoy Media does not guarantee, approve or endorse the information or products available at these sites, nor does a link indicate any association with or endorsement by the linked site to Pinoy Media. Information featured on Pinoy Media may contain errors or inaccuracies. If you own rights to any of the featured images, videos and articles and do not wish them to appear on this site, please Thank You. +THE ADMIN+

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...