Paolo Ballesteros looks like Angelina Jolie [PHOTO] ~ Pinoy Media

Thursday, June 6, 2013

Paolo Ballesteros looks like Angelina Jolie [PHOTO]

Ayon sa ulat ng PEP, marami ang nagulat sa mga larawang in-upload ni Paolo Ballesteros nung June 2 at 4 sa kanyang Instagram account.

Hawig na hawig kasi ng Hollywood star na si Angelina Jolie si Paolo sa mga larawang na-upload.

Sinagot din ni Paolo ang tanong sa mga nagdududa sa kanyang pagkalalaki dahil nga sa pagsusuot niya ng mga pambabaeng kasuotan at pagme-makeup. Mag-a-out na nga ba si Paolo?

"Wala naman kasing i-a-out.

"Pinractice ko lang yung kamay ko kase matagal na 'kong di nagdo-drawing," sagot ni Paolo.
Mahilig daw kasi si Paolo mag-drawing at ginagawa niyang bagong outlet ng kanyang creativity ang pagme-makeup.


Ano naman ang mensahe niya sa mga nag-iisip na bading nga siya?

"Gow lang. may kanya-kanya naman tayong pag-iisip," sagot ni Paolo.

Since tungkol na rin sa pag-a-out ang usapan, tinanong na rin ng PEParazzi si Paolo kung ano ang masasabi niya sa paglabas na ni Charice ng tunay niyang katauhan recently.

"I'm happy for her. Kung saan siya masaya dapat suportahan natin siya.

"And sa ibang tao naman, hindi porke't nag-out si Ganito, kelangan dapat mag-out na rin si Ganyan.

"I think it's a very personal decision that no one, not even a situation or circumstance can dictate but yourself."

Ano ang masasabi nyo sa look na ito ni Paolo? -- PEP.Ph
If You Like This Post, Click Here To Subscribe Via Pinoy Media Email
+AMDG+ DISCLAIMER: PINOY MEDIA does not claim credit for any images and videos and some articles featured on this site. All visual content, videos, copy and images and some articles, are copyrighted to its respective owners. By providing links to other sites, Pinoy Media does not guarantee, approve or endorse the information or products available at these sites, nor does a link indicate any association with or endorsement by the linked site to Pinoy Media. Information featured on Pinoy Media may contain errors or inaccuracies. If you own rights to any of the featured images, videos and articles and do not wish them to appear on this site, please Thank You. +THE ADMIN+

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...