Unang linggo ng My Husband’s Lover, mapapanood sa SNBO sa Linggo ~ Pinoy Media

Sunday, June 16, 2013

Unang linggo ng My Husband’s Lover, mapapanood sa SNBO sa Linggo

Dahil na rin sa maraming kahilingan, mapapanood sa Linggo, June 16, sa SNBO ang buong unang linggo ng pinag-uusapang bagong primetime series ng GMA-7 na, My Husband’s Lover.

Mula nang ipalabas ang pilot episode ng programa nitong Lunes, June 10, mainit nang pinag-usapan ang kakaibang tema My Husband’s Lover na pinagbibidahan nina Dennis Trillo, Carla Abellana at Tom Rodriguez.

Ang My Husband’s Lover ay kuwento ng komplikadong pag-iibigan ng tatlong pangunahing karakter na sina Lally (Carla), Vincent (Tom) at si Eric (Dennis).

Papaano nga ba matatanggap ni Lally na ang lalaking kanyang pinakasalan na si Vincent ay mayroong palang unang pag-ibig, si Eric.

Bukod sa magandang istorya, umani rin ng papuri sa netizens ang mahusay na pagganap ng mga artista.

Balikan at panoorin ang unang linggo ng My Husband’s Lover ngayong Linggo, June 16, sa SNBO, pagkatapos ng Imbestigador.

Patikim pa lang

Sa panayam naman ni Luane Dy sa Unang Hirit nitong Biyernes, labis ang pasasalamat nina Tom at Dennis sa mainit na pagtanggap ng publiko sa kanilang serye.

Ayon kay Dennis, dahil unang pagkakataon niyang makatrabaho si Tom, may bahagyang ilangan pa rin sila pero komportable na siya kung tutuusin sa bagong Kapuso actor.

Nakatutulong din umano ang isinagawa nilang workshop para magampanan nila nang maayos ang kanilang karakter.

Tiniyak ng dalawa na marami pang dapat abangan sa mga susunod na linggo ng My Husband’s Lover ngayong nagkita na muli sina Vincent at Eric.

Bukod pa rito ang eksena kung papaano ipapakilala ni Vincent si Eric sa asawa nitong si Lally.

"Sana ho 'wag kayong magsawang sumubaybay sa My Husband's Lover  dahil promise po namin, patikim pa lang yung unang week," ayon kay Tom. -- FRJimenez, GMA News
If You Like This Post, Click Here To Subscribe Via Pinoy Media Email
+AMDG+ DISCLAIMER: PINOY MEDIA does not claim credit for any images and videos and some articles featured on this site. All visual content, videos, copy and images and some articles, are copyrighted to its respective owners. By providing links to other sites, Pinoy Media does not guarantee, approve or endorse the information or products available at these sites, nor does a link indicate any association with or endorsement by the linked site to Pinoy Media. Information featured on Pinoy Media may contain errors or inaccuracies. If you own rights to any of the featured images, videos and articles and do not wish them to appear on this site, please Thank You. +THE ADMIN+

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...