Jackie Rice Nagtaray sa Fan? ~ Pinoy Media

Saturday, September 6, 2014

Jackie Rice Nagtaray sa Fan?

Mabilis na pinag-usapan sa social media ang video ng Kapuso actress na si Jackie Rice na mistulang nagtaas ng boses sa isang nakatatandang tagahanga. Nasa pictorial sa isang pampublikong lugar noon si Jackie nang makita siya ng nasabing fan na gustong-gusto siyang malapitan at makilala.


Sa sobrang kasabikan at tuwa, hindi na naisip ng fan na baka abala ang artista. Paano pa kaya kung masundan pa ito ng iba’t-ibang aberya na uubos sa pasensiya ni Jackie? Sa kaniyang inis, mistulang papatulan na niya ang tagahanga, na siya namang makakatawag pansin sa nakararami.

Pero bago mag-react, ang tagpong ito ay isa lamang social experiment na nilatag ng Wish Ko Lang! Ano kaya ang gagawin ng mga makakasaksi nito, kuhanan sa cellphone ang galit na artista at i-upload sa social media? O pumagitna at ayusin ang problema?

Tampok din sa Wish Ko Lang! ang pagtulong ni Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid sa ngayo’y may sakit na si Eva Castillo na kilala rin bilang ang “babaeng nakatalo kay Regine Velasquez.”

Abangan ang lahat ng ito sa Wish Ko Lang! kasama si Vicky Morales ngayong Sabado ng hapon pagkatapos ng Tales of Horror sa GMA-7.
If You Like This Post, Click Here To Subscribe Via Pinoy Media Email
+AMDG+ DISCLAIMER: PINOY MEDIA does not claim credit for any images and videos and some articles featured on this site. All visual content, videos, copy and images and some articles, are copyrighted to its respective owners. By providing links to other sites, Pinoy Media does not guarantee, approve or endorse the information or products available at these sites, nor does a link indicate any association with or endorsement by the linked site to Pinoy Media. Information featured on Pinoy Media may contain errors or inaccuracies. If you own rights to any of the featured images, videos and articles and do not wish them to appear on this site, please Thank You. +THE ADMIN+

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...